>


Infinity on high

Hindi mo namamalayan nagsasawa ka na pala.

(Source: pilosopodawako)

May mga bagay na hindi mo namamalayan pinagsasawaan mo na pala.

(Source: pilosopodawako)

….

Minsan hindi ko alam kung nagsasawa na ba ako o ano. Minsan kasi naiinis ako ng walang dahilan sa kanya. Basta, hindi ko alam. Parang naiirita ako ganun. Bat kaya? Minsan nga ayaw ko din siya itext kasi tinatamad ako. Parang nagsasawa ako. Araw-araw siguro kaya ganon. Ewan, hindi ko alam. 

Na-inlove sa may girlfriend na?

Naku, mahirap yan. May mga lalaki kasi na kahit malayo lang yung girlfriend nya eh maglalandi na pag gusto niya. Kakausapin si babae, babanatan ng pick-up lines, bubuhating ang gamit, sasabayan kumain. Syempre ito naman si babae kikiligin at unti-unting mahuhulog ang loob sa lalake. Pero hindi niya pala alam may girlfriend na si lalake. Isa sa pinakamahirap na pakiramdam sa mundo ay ma-inlove ka sa taong may commitment na. Wala kang kasiguraduhan na ikaw ang pipiliin niya at mamahalin niya. Kasi sa bandang huli baka marealize niya na katuwaan lang ang ginawa nya at iiwan ka na niya, habang ikaw nadudurog ang puso dahil na-inlove ka pero wala kang magawa kasi may mahal siyang iba.

(Source: pilosopodawako)

Ex.

Siguro kung hindi kami nag-break nung ex ko. 3 years na kami kahapon. Hindi ako nakaramdam ng panghihinayang sa nangyari samin kasi tama ang naging desisyon ko. Kung hindi ako nakipaghiwalay wala ba siyang marerealize? Hindi niya kaya na wala ako pero kailangan niya, kasi alam niya sa sarili nya na kaya ko siya hiniwalayan dahil hindi niya kayang baguhin ang sarili niya.

Masasabi kong minahal ko talaga ‘tong lalaki na ‘to. Hindi naman kami aabot ng ganito katagal kung hindi di’ba? Pero hindi lang talaga kami para sa isa’t-isa. Masaya na ko sa buhay ko ngayon at sa boyfriend ko. Sobrang magkaiba sila. At hindi ako nagsisisi na nakipaghiwalay ako at may nakilala akong bago na nagpapasa sa akin.

Bakit ka mag-aaksaya ng panahon sa taong hindi ka mahal? Ba’t di ka tumingin sa iba na lihim kang minamahal?

(Source: pilosopodawako)

Oh that moment…

Na nakita mo ex mo na may kasamang iba. Walang bitter o kahit ano pa mang masakit na pakiramdam ang naramdaman mo. Dismaya ang naramdaman ko nung nakita ko siya. Hindi na siya katulad ng dati nung kami pa. Parang napariwara buhay niya. Di kasi siya nag-aaral. Hindi rin nagtratrabaho. San nga ba direksyon ng buhay niya? May kaakbay siyang babae, let’s say girlfriend niya ngayon. I just laughed and said to myself, “Buti na lang hiniwalayan ko siya.” Alam ko kasi wala talaga akong future sa kanya. Ayaw man lang mag-aral, hindi man lang siya sumunod sakin. Nung nakipaghiwalay ako tska niya lang narealize ang mga bagay na dapat pa niya noon ginawa.

Well, that’s life. May mga bagay talagang importante na mawawala sayo. Tanggapin na lang. Di’ba?

Sometimes, crying enough can’t express your true emotion.

(Source: pilosopodawako)

May tita ako, FEU-EAC siya nag-aaral. Nag-stop siya almost 2 years na. Ngayon mag-aaral na sa FEU-EAC pa din. Pinilit niya talagang mag-aral dun kahit alam niya na walang pera na maipambabayad ang lola ko sa school na yun kasi tri-sem at sobrang mahal naman talaga. Naiinis ako kasi hindi maintindihan ng tita ko na wala ngang pera. Sobrang kitid ng utak niya. Nag-away na kami noon, neto lang martes nung nakaraan linggo. Nagsabunutan, kalmutan, o kung ano-ano pa kasi nainis na ko. Bakit ba hindi niya maintindihan na hindi siya kayang pag-aralin dun. Pero eto, naka-enroll siya sa halagang dalawang libo. Kailangan daw ng cheke para sa april na bayaran. Huhulugan lang. Yung lolo ko na walang kwenta na ang alam lang na gawin ay mag-bike at ipunin ang pera. Gusto nga niyang makapag-aral tita ko pero wala siyang ginagawa o binibigay man lang. Inis na inis ako sa lolo ko kasi hindi man lang siya tumutulong. Anak niya yung mag-aaral ni maski baon wala siyang maibigay.

Sa totoo lang, dun ako sa lola ko naaawa. Kasi pasan niya lahat. Halos lahat! Pambayad sa tubig, kuryente, baon ng tita ko, pagkain sa araw-araw. Pero yung tito ko na wala ding kwenta at ang lolo ko walang ginagawa. Prinsipe at hari sa bahay. Wala akong magawa kasi wala naman akong trabaho para matulungan ang lola ko. Minsan naiiyak na lang ako kasi ako lang nakakaintindi sa lola ko. Sana matauhan at magising sila sa ginagawa nila.

Yung lalake na todo mag-effort, kasi ayaw kang mawala.

THIS.

(Source: pilosopodawako)




To infinity and beyond

Hello


Links